3 Pagkakamali na ginawa natin na nag dudulot ng indigestion, bloating at acid reflux

Sa panahon ngayon, karamihan sa mga tao ay talagang ginugusto at inaasam asam na magkaroon ng isang seksi o magandang hugis ng pangangatawan lalo na at palapit na ng palapit ang summer. Ngunit marami ring bilang ng mga tao ang hindi alam ang mga bagay na siyang nagdudulot ng mga problema na kagaya na lamang ng indigestion, bloating at maging ang acid reflux.

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo kung ano nga ba ang indigestion, bloating at maging ang acid reflux. Bukod pa riyan, amin ding ibabahagi ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagdudurusa mula sa mga ganitong klase ng problema ang mga tao. Ang ilan sa mga ito ay talagang madalas na gawin ng mga tao at lingid sa kanilang kaalaman na ito ang dahilan kung bakit sila nagkakaroon ng problema sa kanilang tiyan.

Ano nga ba ang indigestion?

Ang dyspepsia o mas kilala bilang indigestion sa ingles ay isang pangkaraniwang uri ng kondisyon na siyang nakakapagdulot ng mga sintomas na kagaya na lamang ng pagsusuka o vomiting, pananakit ng tiyan o abdominal pain, pagtatae o diarrhea, at maging ang pangangasim ng sikmura o heartburn at acid reflux. Ito ay mayroong kakayahan na mapigilan ang wastong pagtunaw ng mga pagkain na iyong kinain. Kadalasan din ginagamit ang salitang dyspepsia upang ipaliwanag ang mga sintomas na siyang nakapagdudulot ng mga pananakit o bigat na siyang nararamdaman ng tiyan.

Halos lahat naman ng tao sa mundo ay nakakaranas ng ganitong klase ng sitwasyon maski isang beses sa kanilang buong buhay. Madalas itong nangyayari habang o kapag tapos kumain ng isang tao. Hindi man ito nakakamatay na klase ng kondisyon, ngunit maari nitong mapigilan ang malayang paggalaw ng isang tao ng dahil sa sakit at makakaistorbo rin ito sa pang araw araw na gawawin o aktibidad ng isang indibidwal. Ito rin ay mayroong kakayahan na makapagdulot ng dehydration ng dahil sa sobrang pagtatae at pagsusuka.

Ano nga ba ang bloating?

Ang bloating o ang pakiramdam na malaki at puno ang tiyan ay kilala bilang isang uri ng problema ng madalas na nararanasan ng mga tao. Kadalasan, ang paglaki ng tiyan ay pag hinawakan ay matigas, bilugan, maumbok at parang lobo na akala mo ay buntis ang isang tao na mayroon nito. Madalas itong nakapagbibigay ng hindi komportableng pakiramdam at nakapagdudulot din ng pananakit.

Ano naman ang kabag? 

Ang kabag o mas kilala bilang gastritis sa ingles ay isang pamamaga o inflammation, iritasyon o erosion na lining ng tiyan. Ito ay madalas na nangyayari ng dahil sa impeksyon an siyang nakuha mula sa mga bacteria na mayroong kakayahan na makapagdulot ng ulcer sa tiyan. Sa kabilang banda, maari rin itong makapagdulot ng pinasala para sa tiyan. Ang ilan sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito ay ang paginom sa mga carbonated drinks kagaya na lamang ng alak at mga softdrinks, maging ang paginom ng painrelievers at stress. Mayroon pa ngang mga pagkakataon na kung saan ang kabag ay nakakapagpataas ng tyansa ng pagkakaroon ng ulcer ng isang tao. Hindi man ito delikado ngunit kinakailangang agapan upang hindi na makapagdulot pa ng sakit.

Ano nga ba ang acid reflux?

Ang gastroesophagal reflux disease o tinatawag din na gerd ay mas kilala bilang acid reflux na siyang isang uri ng sakit na nakakaapekto sa daluyan ng pagkain o digestice tract na kung saan ang asido na nagmula sa tiyan, o kaya ang mismong pagkain na siyang tinutunaw sa tiyan ay umaagas pabalik sa esophagus at nakapagdudulot ng irritasyon, inflammation o pamamaga sa mga gilid na patong o lining nito. Dahil nga rito, maaring makaranas ng heartburn o ang pakiramdam na paghapdi ng sikmura na siyang umaabot hanggang sa dibdib o kaya ay maipatso o indigestion o pagkahirap sa pagtunaw ng pagkain.

Narito na ang ilan sa mga habits o nakasanayang gawin ng mga tao na dapat na nilang iwasan pagkatapis nilang kumain:

  • Dapat mo ng iwasan ang pagkain sa mga pagkain na mayroong maraming starch at protein ng sabay 

Ang protein ay mayroong kakayahan na mapabagal ang normal na bilis na mayroong ang digestion at ang starch naman sa kabilang banda ay mayroong kakayahan na matunaw ng mabilis ang gawing simple ang mga sugars.

Upang maiwasan ang pagsakit ng tiyan, nararapat lamang na kainin muna ang starch bago ang mga pagkain na sagana sa protein. Maari ka rin namang kamain ng kakaunting starch kasabay ang protein ngunit hindi dapat lakihan ang servings nito.

  • Dapat mo ng iwasan ang pag inom ng maraming amount ng tubig habang ikaw ay kumakain

Lubhang nakapahalaga ng tubig kung ikaw ay kakain, ngunit kapag naman ay nasobrahan nito habang ikaw ay kumakain ay maari itong makapagdulot ng indigestion at maging ng paglobo ng iyong tiyan pagkatapos mong kumain.

Upang maiwasan ang ganitong mga klase ng pagkakataon, nararapat lamang ng uminom ka ng maraming tubig, mahigit isang oras bago o pagkatapos mong kumain. Uminom ka lamang ng kakaunting amount nito habang ikaw ay kumakain upang hindi mabilaukan.

  • Dapat mo na ring iwasan ang pag inom ng sobrang malamig na tubig habang ikaw ay kumakain 

Ang sobrang lamig na tubig ay mayroong kakayahan na mapahigpit ang mga blood vessels kaya ito ay nagdudulot ng pagpigil sa wasto o tamang pagtunaw ng mga pagkain na iyong kinonsumo ng iyong katawan upang makuha ang mga nutrisyon na taglay nito. Sa katunayan, ng dahil dito, maari itong mabuo sa mga taba na siyang makapagdudulot ng problema sa pagtunaw ng mga pagkain sa loob ng tiyan.

Upang maiwan ang mga ganitong uri ng problema, nararapat lamang ng uminom ng maligamgam na tubig o yung nasa room temperature lamang. Sa kabilang banda, maari ka rin namang uminom ng mainit na tubig o ng green tea bago ka tuluyang kumain.

Simula ngayon ay iwasan mo na ang tatlong bagay na ito kahit pa ito na ay iyong nakasanayan ng gawin upang maiwasan ang pagkakaranas ng mga problema na siyang konektado sa tiyan kagaya na lamang indigestion, bloating at maging ang acid reflux.

You may also like...