Natural at mabisang pantanggal ng spots at dumi sa inyong mukha

Aminin man natin o hindi, halos lahat ng tao sa mundo ay may sobrang taas na tingin sa panlabas na kaanyuan. Lalo na sa panahon ng mga millenials na halos minu-minuto ay may naagpo-post ng kaniyang mukha sa mga socia media accounts tulad ng Facebook at Instagram. Napakahilig na ng mga tao ngayon na kumuha ng napakaraming larawan ng kanilang mukha at pagkatapos ay ie-edit pa at lalagyan ng kung ano anong mga effects upang mas lalo pa nilang “mapaganda” ang kanilang itsura sa larawan, at saka nila ito ipo-post online. Masaya tayo at baka nagkakaroon pa nga ng “sense of fullfillment” kung nakakakuha tayo ng maraming like at maraming cooment na nagsasabi kung gaano tayo kaganda o kagwapo sa larawan. Sa madaling sabi, talagang tinututukan na ng malaking pansin ang ating mga kaanyuan ngayon.

Hindi natin maikakaila na may may mga tao na talagang hindi masaya sa kanilang itsura kaya sila ay nagpaparetoke ng mukha. Naglalaan sila ng malaking salapi para lang may maipambayad sa gustonilang baguhin sa kanilang panlabas na inyo. Madalas ay napapa-surgery ang mga taong ito dahil gusto nila na magustustuhan sila ng ibang tao, o kaya naman ay upang makuntento sila sa kanilang mga sarili. Ano man ang dahilan, wala namang masama sa kanilang ginagawa lalo na kung dito sila masaya at wala naman silang ginagawang masama. Sa panahon pa natin ngayon na talagang tila mas pinapaboran na ang magaganda ang itsura, hindi na nakakapagtaka kung talagang maraming naghahangad na gumanda.

Mayroon ding mga tao na talagang gumagastos upang bumili ng mga make up na makakatulong sa kanilang pag-aayos. Madalas nga tayong makakita ng mga tao na palaging naka-full make up mula sa kilay, blush on, lipstick,  pati noseline. Patok na patok din ngayon ang mga trends sa make up kagaya ng contouring na kung magaling ka ay magagawa mong mas pagandahin ang porma ng iyong mukha gamit lang ang make up. Marami ring mga cosmetics company ang naglalabas ng iba’t ibang style ng mga lipstick gaya ng matte at nude colors, maging mga celebrity ay nagtatayo na rin ng sarili nilang cosmetic line dahik totoong mabenta talaga ang mga beauty products.

Talaga ngang hindi maiwasan ng nakararami, lalo na ng mga kababaihan, na gumamit ng iba’t ibang mga beauty products. Mayroong mga ginagamit para magmukhang fresh ang ating balat, may mga moisturizer at mga oil pa na ginagamit. Alagang alaga ang kutis ng mga mamahaling sabon naa nakapagpaapaputi, ang iba ay pumupunta pa sa mga dermatologists upang magpatanggal ng mga pekas, blackheads at whiteheads. Talagang ginagastusan na ng maaraming tao ang pagpapaganda

Subalit, kung pampakinis lang naman ng mukha, kailangan ba talagang gumastos pa? Hindi ba puwedeng gumamit na lamang ng mga alternatibo na mura na, siguradong epektibo at ligtas pa? Dahil maraming ibiniyaya ang kalikasan pagdating sa bagay na iyan. Maraming mga halaman na maaari nating magamit sa pag-aalis ng mga kinaiinisan nating dark spots at mga blackheads sa mukha. Interesado ka na ba? Kung gayon ay ituloy mo lang ang iyong pagbasa at alamin kung ano ano ang mga halaman na ito at kung paano mo sila mapapakinabangan sa pagkakaroon ng maganda at makinis na mukha.

Sa sulating ito ay ituturo namin sa inyo kung paano maaalis ang mga dumi at dark spots sa inyong mukha, gamit lamang ang mga natural na sangkap na ating makukuha sa kalikasan. Ang mga ito ay mga prutas at halaman na kilala natin, ngunit hindi natin alam na mayroon pala itong magandang epekto sa ating kutis. Ang una naming ituturo sa inyo ay ang paggawa ng “Potato and Lemon Juice Mask”. Sa gagswin nating ito ay kailangan mong maghanda ng isang patatas at ang juice mula sa kalahating lemon.

Kung handa ka na ay sisimulan na natin ang mga hakbang sa paggawa ng “Potato and Lemon Juice Mask”.  Simpleng simple lang ang mga hakbang at hindi ito mashadong matagal gawin kaya napaka-convinient nito. Una mong gawin ay duruging mabuti ang isang pattas at pagkatapos ay saka ihalo dito at lemon juice. Siguraduhin mo na mahalo at mapagsama mo ng mabuti ang dalawang sangkap na ito na tila ba ikaw ay nagmamasa ng tinapay. Ipagpatuloy mo lamang ang gawaing ito hanggang sa ikaw ay makabuo na ng parang paste mixture na siyang ipapahid mo sa iyong mukha upang pumuti ang iyong kutis. Gawin mo ito ng dahan dahan sa circular motion at iwan mo ito sa loob ng dalawampung minuto bago mo ito banlawan ng tubig.

Sunod naming ituturo ay ang paggawa ng “Potato and Onion Mask”. Dito naman ay kailangan mong maghanda ng kalahating sibuyas at isang patatas. Mabilis at madali lang din ang mga hakbangin sa paggawa nito. Ang tanging gagawin mo lang ay paghaluin ang dalawang sangkap gamit angg blender at pagkatapos ay saka ipahid ang mixture sa iyong mukha. Ang paste na ito ay isa ring mabisang pampaputi kaya dapat ay siguraduhin mong mabababad ito sa iyong mukha sa loob ng labinlimang minuto bago mo ito banlawan ng tubig.

Ang atin namang gagawin ngayon ay isang paste na makakapag-alis ng mga dumi sa iyong mukha. Ang recipe na ito ay tatawagin nating “Potato and Cucumber Mask” at mula na rin sa kaniyang pangalan, kailangan mong maghanda ng isang patatas at kalahating cucumber. Kagaya ng ginawa natin sa Potato ang Onion Mask, paghaluin mo lamang at patatas at cucumber gamit ang blender at kapag nahalo na itong mabuti ay saka mo ipahid sa iyong mukha. Upang mas maging mabisa ang pagtanggal ng paste na ito sa mga dumi ng iyong mukha ay hayaan mo ito ng dalawampu’t limang minuto bago mo ito alisin gamit ang malamig na tubig.

Ang huling ating gagawin ay tinatawag na “Potato and Carrot Mask”. Dito naman ay kakailanganin mo ng isang patatas at kalahating carrot. Gamit muli ang blender ay paghaluin ang patatas at carrot hanggang sa makagawa ito ng isang homogenous mixture. Pagkatapos ay ipahid ito ng dahan dahan at paikot sa iyong mukha at hayaan ito sa loob ng dalawampung minuto bago ito tuluyang hugasan.

Diba! Hindi mo na kailangan pang gumastos ng ubod ng mahal para lang mapakinis mo ang iyong mukha. Isang patatas at alin man sa mga sangkap na nabanggit lang ang kailangan mo upang maalis ang dumi aat dak spots sa iyong mukha. Sino ang nagsabing mahal magpaganda? Mahal kung hindi ka magiging praktikal ngunit napakadali lang kung ikaw ay maalam at mapamaraan.

You may also like...