Natural na inumin upang mapababa ang uric acid sa inyong mga joints

Ang purine ay isang uri ng substance sa ating katawan na kapag na-break down ay makakabuonng tinatawag na uric acid. Ang purine ay maaari ring makuha sa mga pagkaing ating kinokonsumo pero meron na nito sa loob natin. Ang uric acid naman ay isang compound na binubuo ng nitrogen, oxygen, hydrogen, at carbon. Ito ay pinapadaloy sa dugo at sa pagdaan nito sa kidney ay nasasala ito kaya ang uric acid ay isang karaniwang component ng ating urine. Dahil dito ay masasabi natin na normal lang ang pagkakaroon nito.

Ngunit, kung ang isang tao ay may mataas na level ng uric acid ay dapat na sihang mabahala. Sabi nga hindi ba, ano mang sobra ay masama kaya dapat lahat ay nasa tamang sukat at level lamang. Kapag ang tao ay sobra sa uric acid ay maaari siyang magkaroon ng karamdaman na tinatawag na “hyperuricemia”, na nangyayari rin kung mataas ang concentration ng uric acid sa dugo. Ang sakit na ito ay maaaring dulot ng dalawang bagay na tinatawag na primary o secondary. Kung ito ay dahil sa “pripary”, meron kang hyperuricemia dahil mataas ang level ng purine sa iyong katawan. Kung “secondary” naman ay dahil ito sa ibang kondisyon o sakit kaya tumaas ang iyong uric acid level.

Karaniwan ay makakaramdam ka ng iba’t ibang senyales kung mataas ang level ng iyong uric acid at mahroon kang hyperuricemia. Una, maaari kang magkaramdam ng matinding pagkapagod o fatigue kahit wala kang masyadong ginawang pisikal na aktibidad bago iyon. Bukod dyan ay pwede ka ring magkaroon ng lagnat na sinabayan pa ng chills o pagkaramdam ng sobrang lamig sa katawan. Posible rin na wala kang maramdamang mga sintomas ng sakit na ito ngunit kung ikaw ay may ibang karamdaman tukad ng lymphoma at leukemia at kasalukuyan kang nagpapagamot, maaari kang magkaroon ng mga komplikasyon sa bato o kidney.

Isang posibleng mangyari kung ang isang tao ay may hyperuricemia ay ang pagkaramdam ng sakit sa kasukasuan at pagkakaroon ng gout at arthritis. Kapag ang purine kasi ay nasa proseso ng pag-breakdown sa uric acid, nagki-crystalized ito na maaaring magbara sa mga joints. Kung tuloy tuloy ang pasok ng purine at pag-breakdown nito bago pa mailabas sa katawan ang mga naipon nang uric acid ay hindi malayong dumaloy itong muli at maipit sa mga kasukasuan na magdudulot ng pananakit ng mga joints, gout, ag maging arthritis.

Kaya naman, mahalaga na makontrol at mabalanse natin ang level ng uric acid sa ating katawan kung ayaw natin na magkaroon ng iba’t ibang karamdaman. Ngunit, paano natin ito magagawa? Huwag kang mag-alala, kaibigan, dahil marami kaming imumungkahi sayo upang huwag kang magkaroon ng hyperuricemia. Itulog mo lamang ang pagbasa upang ikaw at matuto.

Una na dyan ay dapat mong ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig at pag-iwas sa mga caffeine at alcohol. Gaya ng nabanggit na, ang uric acid ay inilalabas mula sa ating katawan sa pamamagitan ng urination o pag-ihi. Kaya naman, mahalaga ang pag-inom ng maraming tubig upang maging maayos ang pagdaloy ng urine, at ito rin ang nagsisilbing tagatulak palabas ng mga uric acid sa ating katawan. Sa kabilang dako, ang mga inumin naman na may caffeie at alcohol content ay may mataas na level ng purine at mas pinaiigting pa ang produksyon nito sa katawan. Sa halip na mga ganitong inumin, mas mabuti kung ikaw ay kokonsumo na lamang ng mga inumang gawa sa citrus fruit tulad ng oranve, kiwi, at pinya, na nagpapababa ng level ng uric acid ng isang tao.

Bukod sa alcohol at caffeine, dapat din na iwasan ang mga pagkain na may mataas na sodium content kagaya na lamang ng mga processed food. Alam naman ng lahat na nagagawang tumagal ng mga processed food ay dahil nilagyan sila ng maraming asin. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mataas sa asin o sodium ay magpapataas lamang ng produksyon ng uric acid sa katawan. Bukod pa dyan, ang sobrang asin mismo ay masama sa ating mga kidney dahil nagki-crystalized din ito na bumabara naman bilang kidney stones. Kaya naman mahalaga na maging mabusisi tayo sa ating mga kinakain at siguraduhin na ito ay mababa sa sodium. Bukod dyan ay dapat din nating ugaliin na kumain ng mga sariwang prutas at gulay.

Ngayon naman, kung ikaw ay nakakaranas ng pananakit ng kasukasuan at arthritis dahil sa mataas na level ng uric acid, ay may imumungkahi kami sa iyo na isang resipe na tiyak na makapagpapagaling sa iyo. Ito ay tunay na epektibo at hindi ka pa gagastos ng malaki dahil mga simpleng mga murang sangkap lamang ang ating gagamitin. Kung susundin mo ito ay tiyak na gagaan ang iyong pakiramdam. Handa ka na ba? Kung gayon ay tayo na at simulan ito.

Bago tayo tuluyang magpatuloy sa paggawa ng ating recipe, kailangan mo munang maghanda ng ating mga kakailanganin. Huwag kang mag-alala dahil sabi ko nga, hindi mabubutas ang bulsa mo dito dahil ito ay mura lang at mabibili sa mga tindahan at palengke. Maghanda ka lamang ng isang cucumber, isang slice ng lemon, dalawang ribs ng celery, at isang ugat ng luya o ginger. Simple lang ang mga sangkap, hindi ba?

Ngayonay tumungo na tayo sa kung paano ito gawin. Una ay linisin at hugasan muna ang mga sangkap na celery at cucumber bago sila hatiin sa maliliit na slices. Pagsamahin ang mga ito at ang iba pang sangkap gamit ang blender at kapag tuluyan na silang naghalo ay ilipat sa isang baso. Ang resipe na ito ay dapat inumin dalawang beses isang araw upang mas magkaroon ng maganda at mabisang epekto sa iyo. Kung wala ka nang nararamdaman ay ayos lang na itigil na ang pag-inom nito at uminom na lamang ulit kung muki kang makaramdam ng pagkirot sa iyong mga joints.

Ang  juice na ito ay hindi lamang nakakatulong sa pagpapawala ng kirot dulot ng arthritis at pag-aalis ng mga uric acid sa katawan. Mayroon din itong magandang maidudulot sa kabuuan ng iyong kalusugan at magpanatili sa normal na level ng temperatura ng iyong katawan. Kahit walang sakit ang iyong kasukasuan ay maaari mo itong inumin upang paunlarin ang iyong kalusugan.

 

You may also like...