5 Days diet na ligtas at epektibo para mabawasan ng 15 pounds ayons sa isang cardiologist

Napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo ang mayroong kagustuhan na magkaroon ng isang malusog, makinis at maganda na hugis ng pangangatawan. Handa silang gawin ang lahat upang makamtaman lamang ang ideal body at ideal shape na kanilang nais na makamtam. Hindi man ganong kadali at talagang napakahirap, handa silang gawin ang mga ito makuha lamang ang kanilang gusto. Ang pagdadiet ay isa sa mga matagal na siyang ginagamit ng mga tao sa buhay, lalong lalo na ang mga talagang matataba na mayroong kagustuhan na mawala ang kanilang mga fats at maging mabawasan ang kanilang timbang.

Mahirap kapag isa ka sa mga tao na mayroong mga maseselan na kondisyon pagdating sa pagkain ngunit ang sobrang timbang at taba ay sadyang hindi rin maganda at delikado rin para sa kalusugan ng isang indibidwal na maaring makapagdulot ng iba’t ibang klase ng sakit at karamdaman kagaya na lamang ng diabetes, sakit sa gallbladder, sakit sa puso, high blood pressure, sleep apnea at maging ang ilang uri ng kanser. Ito ang ilan lamang sa mga dahilan sa kung bakit karamihan sa mga tao ay sadyang ginugusto ang pagdidiet dahil na rin mayroon silang ilang sakit na nararamdaman. Huwag mo na hintayin na magaya sa kanila o mauwi pa sa ganitong mga sakit bago pumasok sa isip mo ang pagdadiet at pagbabawas ng timbang.

Ang food o diet plan na aming ibabahagi sa inyo mula sa artikel na ito ay nanggaling at naimbento ng isang European cardiologist. Ang pangunahing pinagkukunan ng protein ng diet na ito ay ang mga itlog, at mas magiging mabisa at mainam ito kung ang gagamitin na itlog ay ang organic na itlog kasabay ng pagkonsumo ng mga prutas at gulay. Mas magiging mabisa rin itong diet plan na ito kung sasamahan mo pa ng madalas na pageehersisyo tuwing umaga sa loob lamang ng ilang minuto kahit sa tagal na kahit kalahating oras lamang. Kinakailangan din kasi ng iyong katawan na mabanat at maging aktibo upang mas maging epekto ang diet na ito sapagkat kinakailangan din na gumalaw galaw ng katawan kahit na ang mga simple at hindi mahihirap na exercises lamang.

Simple lamang ang diet plan na ito at makakasiguro ka na ito ay talagang epektibong paraan na maari mong gawain upang mabawasan ang iyong taba at maging ang iyong timbang. Aming ibabahagi sa inyo ang isang almusal na dapat mong sundin bilang diet plan na halos pareparehas lamang sa pang araw araw at ang mababago lamang ay ang iyong tanghalian at ang iyong hapunan. Siguradhin mo lamang na masusundan mo ito upang mas maging mabisa at mabilis ang bawas ng iyong timbang.

  • Almusal

Isang (1) piraso ng kahit na anong prutas na nais mong kainin maliban na lamang sa ubas o saging. Isang (1) serving ng blueberries o blackberries dahil ang mga ito ay mayroong kakayahan na makapagbigay ng kinakailangan na antioxidants ng iyong katawan.

Unang Araw

  • Tanghalian

Isang (1) piraso ng orange na mayroong kasama na isang (1) tasa ng yogurt at maging isang (1) piraso ng itlog.

  • Hapunan 

Dalawang (2) piraso ng boiled eggs, dalawang (2) piraso ng toast, kalahating (1/2) piraso ng pipino o kaya ay isang (1) maliit na bowl na puno ng lettuce at panghuli ay dalawang (2) piraso ng kamatis.

Pangalawang Araw

  • Tanghalian

Kagaya lamang ng nasa unang araw, isang (1) piraso ng orange na mayroong kasama na isang (1) tasa ng yogurt at maging isang (1) piraso ng itlog.

  • Hapunan 

Isang (1) piraso ng toast, mahigit 125 grams ng red meat, isang (1) tasa ng tsaa o kaya ay kape na walang halong asukal at isang (1) piraso ng orange.

Pangatlong Araw

  • Tanghalian

Isang (1) piraso ng pipino at isang (1) piraso rin ng orange na mayroong kasama na isang (1) piraso ng boiled egg.

  • Hapunan 

Mahigit 125 grams na lutong red meat, isang (1) piraso ng orange at toast na mayroong kasama na isang (1) tasa ng tsaa o ng kape na walang halong asukal.

Pangapat Araw

  • Tanghalian

Isang (1) piraso ng toast na mayroong kasama na oranget at halos 125 grams na cottage cheese.

  • Hapunan 

Mahigit kumulang na 125 grams na cooked red meat, isang (1) piraso ng orange at toast na mayroong kasama na isang (1) tasa ng tsaa o kaya naman ay kape na walang halong asukal.

Pang-limang Araw

  • Tanghalian

Isang (1) piraso ng toast at mahigit 200 grams na niluto na isda o kaya ay karne at isang (1) piraso ng kamatis.

  • Hapunan 

Halos kalahating (1/2) pound ng lutong carrots na mayroong kasama na patatas at peas.

Simple lamang at hindi gaanong kinakailangan ng magarbong pagkain ang diet na ito. Kinakailangan mo lamang na sundin ang strikto na diet plan na ito sa loob ng magkakasunod na araw at magpahinga ka lamang ng dalawang araw bago mo ulit itong simulan. Kinakailangan mo rin na lutuin ng mabuti ang mga gulay na walang ginagamit na asin o kahit na anong uri ng mga pampalasa. Sa kabilang banda, kinakailangan mo ring iwasan ang mga bisyo na mayroon ka kagaya na lamang ng paninigarilyo at ang madalas na paginom ng alak. Kung ikaw ay mayroong problema sa iyong kalusugan, maari mo munang dalawin ang iyong doktor at kumonsulta sa kaniya kung pwede mo bang gawin ang ganitong klase ng diet plan upang hindi magkaroon ng hindi inaasahang problema at mas maging ligtas ang paggamit mo rito.

Makakatulong talaga ng malaki kung sisimulan mo na ang diet plan na ito at hindi ka mandaraya sa pagsunod sa mga nirerekomendang pagkain na dapat mong konsumihin sa loob ng limang (5) magkakasunod na araw. Magugulat ka na lamang sapagkat paunti unti ng nababawasan ang iyong mga taba at maging ang iyong timbang ng hindi masyadong nahihirapan. Paglipas lamang ng ilang linggo o ng ilang buwan ay makikita mo na ang epekto na hatid nito sa iyong katawan. Makakamtam mo na ang katawan na iyong inaasam ng walang kahirap hirap. Exercise lamang at hindi work out ang dapat mong isabay sa diet na ito kaya wala ka na rin dapat pang ipagalala. Wala namang ibang tutulong sa iyong katawan kung hindi ang sarili mo kaya simulan mo na ito at mamangha sa dulot ng diet na ito.

You may also like...