Kumain ng 6 na roasted garlic cloves at tignan ang epekto sa katawan matapos ang 24 oras

Ang bawang ay matagal ng ginagamit bilang gamot sa loob ng napakatagal na pahanon, mula pa noong mga panahon na kung saan ginawa ang Egyptian pyramids. Ang bawang ay sinasabing isang malaking tulong at milagro upang mapigilan at malunasan ang iba’t ibang klase ng mga sakit kagaya na lamang ng atherosclerosis, mataas na antas ng cholesterol, mataas na presyon ng dugo at maging ng kanser.

Ito rin ay isang kilalang halaman na siyang madalas at karaniwang ginagamit sa loob ng kusina para sa maraming klase ng lutuin. Ang maputing bungang ugat na ito ay mayroong angking kakaiba na lasa at amoy na siyang gustong gusto ng nakararami bilang pampalasa sa kani kanilang mga lutuin. Sa kabilang banda, ang mga dahoon naman nito ay tumutubo nang pahaba at pataas. Sa Pilipinas, ang bawang ay inaani sa ilang mga kilalang probinsya na mayroong malawak na bukirin kagaya na lamang ng Ilocos Norte, Batangas, Nueva Ecija, Mindoro at Cotabato.

Ang bawang ay kilala bilang isa sa mga pinakamabisang pampalusog na sangka sa buong mundo at kilala ito bilang garlic sa ingles. Ginagamit ito bilang natural na panlunas sa iba’t ibang klase ng mga uri ng sakit kagaya na lamang ng mataas na antas ng blood pressure, mababang antas ng blood pressure, mataas na antas ng cholesterol, coconary heart disease, heart attack, mababawa at mabagal na pagdaloy ng dugo ng dahil sa mga masikip at makitid na arteries at atherosclerosis.

Pinaniniwalaan ng maraming tao at ng ilang eksperto na ang bawang o garlic ay mayroong kakayahan na pigilan ang paglaki ng angiotensin II, na kilala bilang isang hormone, at ito rin ay nakatutulong upang mas mapabuti ang daloy ng dugo sa blood vessels. Malaki rin talaga ang kayang itulong nito para sa pagpapababa ng antas ng cholesterol.

Ito ay naglalaman ng antibacterial component na siyang kilala bilang Allicin. Dahil sa component na ito ng bawang, naging kilala ito bilang likas na antibacterial. Ang juice na siyang makukuha mula sa bawang ay mayroong kakayahan na pigilan ang paglago ng fungit at mga viruses, kaya rin nitong pigilan ang yeast at viral infections.

Napakabisa talaga ng bawang at kapag ito ay kinain mo, malaki ang magagawa nito para sa iyong pangangatawan at kalusugan sa loob lamang ng isang araw o 24 oras. Sa artikel na ito, makikita mo kung ano ang kayang magawa ng bawang para sa iyong kalusugan.

Narito ang mangyayari sa iyong katawan kapag kumain ka ng anim (6) na roasted garlic cloves:

  • Sa unang (1) oras ang bawang ay tinutunaw pa lamang sa loob ng iyong tiyan.
  • Sa pangalawa (2) hanggang sa pangapat (4) na oras, nilalabanan na nito ang mga free radical cells at maging ang mga cancer cells sa loob ng iyong katawan.
  • Sa pangapat (4) hanggang panganim (6) na oras, pinapabilis na nito ang metabolism ng katawan at inaalis na rin nito ang mga sobrang fluids at sinusunog ang mga body fats.
  •  Sa panganim (6) hanggang sa pangpitong (7) oras, ang antibacterial properties na taglay nito ay nasa bloodstream na at nilalabanan na nito ang mga bacteria sa loob ng katawan.
  • Sa panganim (6) hanggang sa pangsampung (10) oras, prinoprotektahan na nito ang katawan laban sa oxidation.
  • Sa pangsampu (10) hanggang sa pangbente kwartong (24) oras, sinisimulan na nit ang matinding paglilinis ng iyong katawan katulad na lamang ng:
  • Pagkokontrol ng antas ng cholesterol
  • Paglilinis ng mga nakaharang sa arteries at prinoprotektahan ang katawan sa cardiovascular issues
  • Pagbaba ng antas ng blood pressure

Alam mo ba na nakatutulong ang bawang sa pagpapalakas ng immune system?

Alam mo ba na ang bawang ay mayroong kakayahan na mapalakas ang iyong immune system dahil pinatibay nito ang iyong mga buto, pinipigilan din nito ang pagpasok ng mga heavy metals sa loob ng iyong katawan, pinapalakas din nito ang katawan dahil sa sustansiya na dala nito, pinapagbuti rin nito ang iyong abilidad pagdating sa sports, at higit sa lahat, pinapatagal nito ang buhay ng mga malulusog na cells sa loob ng katawan.

Narito ang ilan pa sa mga gamit ng bawang bilang medicine na nangangailangan pa ng higit na pagaaral:

  • Arthritis, rheumatism at toothaches

Kakailanganin mo lamang durugin ang ilang piraso ng bawang at ilagay sa mga bahagi ng katawan na siyang apektado ng arthritis, rheumatism at maging ang sakit sa ngipin.

  • Headaches o pagsakit ng ulo

Durugin ang ilang piraso ng bawang at ilagay sa magkabilang temples bilang poultice.

  • Kagat ng insekto o insect bites

Durugin mo lamang o hatiin ang bawang at ikaskas mo ito sa kagat ng hayop o insekto sa ilang parte ng iyong katawan.

  • Fever o lagnat 

Kakailanganin mo lamang na magpakulo ng dahon ng bawang at ipahid ang pinakulaang tubig nito sa ilang parte ng katawan at maging sa ulo.

  • Asthma o hika

Ang katas na siyang nagmula sa dinikdik na sariwang bawang ay lubhang epektibong makatutulong bilang gamot para pahupain ang mga sintomas na siyang nararanasan ng dahil sa hika.

  • Cancer o kanser 

Mga ilang mga pagaaral na siyang nagsasabi na mayroong epekto sa pagpapababa ng posibilidad na pagkalat ng parehas na colon at prostate cancer ang tuloy tuloy na pagkain ng bawang sa pang araw araw sa loob ng ilang linggo.

  • Tonsillitis

Ang katas na siyang nagmula sa dinikdik na bawang ay sinasabing mabisang panlunas sa pamamaga ng tonsillitis na siyang nagdudulot ng hirap sa pagkain at sa paglunok.

Naniniwala ka na ba sa kakayahan ng bawang para sa iyong katawan? Kung gayon, mas dalasan mo na ang pagkonsumo nito at paggamit nito sa iba’t ibang klase ng putahe na iyong ihahain sa inyong pamilya. Huwag kang magalala dahil walang negatibong epekto ang pagkain ng bawang para sa iyong katawan. Kakailanganin mo lamang ng tamang dosis ng pagkonsumo nito sa pamamagitan ng pagkonsulta sa doktor para sa tamang dosis na kakainin mo. Ibahagi mo rin ang artikel na ito sa iyong mga kaibigan at mahal sa buhay upang matulungan din sila sa ganitong klase ng problema at mabahagian ng impormasyon sa tulong na dala ng bawang para sa kanilang kalusugan at pangangatawan.

You may also like...