Alamin ang frozen lemon theraphy na kayang labanan ang mga malulubhang sakit

Ang lemon ay kilala bilang isang uri ng citrus fruit na madalas na ginagamit ng mga tao upang makagawa ng iba’t ibang klase ng mga juice. Bukod pa riyan, ito rin ay madalas na ginagamit upang mapabuti ang lasa ng mga lutuin at ito rin ay nakapagbibigay ng napakaraming mabubuting epekto para sa katawan at kalusugan ng tao.

Sa katunayan, ang lemon ay talagang popular ng dahil sa mayaman nitong taglay ng antioxidants na siyang kilala bilang flavonoids at ito ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit mayroon itong kakayahan na labanan ang napakaraming bilang ng mga sakit at karamdaman. Kung pipigain moa ng taglay na katas ng prutas na ito ay maaring mabawasan ng todo ang taglay nitong antioxidant kaya mas magiging mainam kung itatago mo na lamang ito sa loob ng inyong pridyeder.

Ang balat na siyang taglay ng lemon ay gawa sa maraming compounds. Ang mga compouds na ito ay mayroong kakayahan na pagtibayin ang immune system ng katawan at ito rin ay mabisa na binabawasan ang antas ng cholesterol sa loob ng katawan ng isang tao. Ito ay magandang panlaban para sa mga bakterya at mikrobyo sa tulong ng antimicrobial effects nito na siyang mabuting pinagaralan ng mga eksperto sa loob ng laboratory at dito rin napatunayan na talagang epektibo ang mga ito.

Bukod pa riyan, ang lemon ay maaring ding magamit ng mga tao para sa isang detoxification process ng katawan.

Narito ang ilan sa mga health benefits na maari ninyong makuha mula sa lemon:

  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang pagkakaroon ng sakit na kanser
  • Ito ay maaring makatulong sa pagbawas ng tyansa na magkaroon ng stroke
  • Ito ay nakatutulong sa pagbawas ng pamamaga sa katawan
  • Ito ay mabisa sa pagpapalakas ng immune system
  • Ito ay mayroong kakayahan na pigilan ang pagkakaroon ng asthma
  • Ito ay may kakayahan na pigilan at lunasan ang depresyon o anxiety at stress
  • Ito ay nakatutulong sa paglilinis ng kidneys

Ang mga lemon at sakit na kanser:

Ang lemon ay naging kilala ng dahil sa mayaman nitong taglay na vitamin C at iba pang mga nutrisyon. Sa kabilang banda, ang balat naman nito ay mayroong kakayahan na pigilan at tuluyang tanggalun sa loob ng katawan ang mga naipon na toxic materials. Ito ang isa sa mga pangunahing dahilan sa kung bakit ito ay madalas na ginagamit bilang isang alternatibong medisina para sa mga tao na mayroong sakit na kanser. Ayon sa napakaraming bilang ng mga pananaliksik na siyang ginawa ng mga eksperto simula pa noong taon na 1970, kanilang nadiskubre na maaring magamit ang lemon bilang panlunas sa sakit na kanser.

Sa katunayan, dito rin nila sinubukan ang frozen lemon therapy na mayroong kakayahan na sirain ang lahat ng uri ng cancer cells kagaya na lamang ng nasa colon, breast, prostate, lung at maging ang pancreas cancer. Kanila ring sinasabi na naging mas mabisa pa ito kaysa sa chemotherapy na kadalasang pumapatay ng mga healthy cells sa loob ng katawan ng tao. Ang maganda pa rito ay isa itong natural na pamamaraan at talagang ligtas na gamitin lalo na kung ikukumpara sa chemotherapy na siyang madalas na kinakamatay ng katawan.

Bilang karagdagan, kanila ring nadiskubre na mas mabisa na gamitin ang balat ng lemon kaysa sa katas na taglay nito. Ipinaliwanag ni Dr. Marilyn Glenville, na isang nutritionist at ekpserto pagdating sa larangan ng kalusugan ng mga babae na ang balat ng lemon ay malaki ang siyang taglay na pakinabang para sa kalusugan ng isang tao. Sinabi rin niya sa isang panayam sa BBC Food na karamihan sa antioxidant na siyang taglay ng lemon ay makikita sa bakat nito ay hindi sa laman niya mismo.

Ayon pa sa kaniya, “Mas nakabubuti kung ikaw ay gagawa ng isang smoothie sa halip na isang juice, dahil maari mong makonsumo ang lahat ng prutas na ito kasama na rin ang kaniyang balat at walang kahit na anong nutrisyon ang iyong masasayang.”

Gayunpaman, marami ang bilang ng mga tao ang siyang hindi nagugustuhan ang balat ng lemon ng dhail sa mapait na lasa nito ngunit lingid sa kanilang kaalaman na maaring mabago ang lasa nito at kahit pa ba na mapait ito ay nagtataglay naman ito ng mga kakaibang klaseng benepisyo para sa kanilang kalusugan.

Narito ang isang paraan na maari mong gawin upang maalis ang pait na taglay ng balat ng lemon:

Simple at madali lamang ang kinakailangan mong gawin upang mabawasan ang taglay na pait na lasa ng balat ng lemon. Kinakailangan mo lamang na palamigin ito sa loob ng freezer. Unang una, ibabad moa ng mga lemons na ito sa tulong ng organic apple cider vinegar o kahit na baking soda. Pagkatapos ay hugasan mo ng mabuti ang mga ito gamit ang tubig at patuyuin ito sa tulong ng tuwalya. Maari mo na itong ilagay sa loob ng freezer sa buong magdamag hanggang sa ito ay tuluyang magyelo. Kapag ito ay nagyelo na ng tuluyan, maari mo na itong kunin at simulan ang pagkudkud sa mga ito. Ilagay mo lamang ang mga piraso ng grated lemons na ito sa isang ice tube tray at itago mo pansamantala sa loob ng freezer. Pagkatapos ay maari mo na itong gamitin sa kahit na ano lutuin at maari mo rin itong ihalo sa iba’t ibang klase ng mga putahe.

Ang balat ng lemon ay maari mong magamit para sa mapasarap pa ang mga lutuin sa loob ng inyong kusina. Maari mo ring gamitin ang grated lemons para sa mga salads, sopas, yoghurt, pasta sauce at maging sa mga homemade ice creams. Dagdagan mo lamang ng halos isang kutsarita ng grated lemons ang iyong smoothie, juice o tsaa upang mas mapabuti pa ang lasa na taglay nito. Maari mo rin itong gamitin para sa mga baked goods. Talagang masasabi mo na isang biyaya ng nagmula sa kalikasan ang mga lemons na ito dahil bukod na sila ay talagang masarap, ito rin ay punong puno ng mga pakinabang para sa ikabubuti ng katawan at kalusugan ng napakaraming bilang ng mga tao sa buong mundo.

You may also like...