Dahon na kayang tanggalin ang mga varicose veins, mahinang memorya at pananakit ng ulo

Sa artikulo na ito, aming ibabahagi sa inyo kung ano nga ba ang varicose veins, ang mahinang memorya at maging ang pananakit ng ulo. Ito rin ay nagtataglay ng mga impormasyon sa kung paano mo malulunasan ang mga ito sa tulong ng isang resipe na siyang gawa sa dahon ng laurel at maging ang ilan pang pakinabang na iyong makukuha mula rito.

Ano ba ang varicose veins?

Ang mga varicose veins ay ang mga pamamaga at panlalaki ng mga ugat sa katawan, lalong lalo na sa bandang binti. Maaring ang mga namamagang ugat na ito ay makikita sa mga mata o bumabakat sa balat ng hindi man lang napapansin at namamalayan. Ito ay karaniwang nasa kulay na asul o madilim na kulay na ube. Mayroong din mga pagkakataon na kung saan ang mga ito ay bumubukol, nakaumbok o baluktot ang itsura.

Ang mga ito ay kadalasang walang sintomas na ipinapakita o ipinaparamdam, maliban na lamang sa mga ugat na ito na lumalaki. Mayroon ding mga pagkakataon na ikaw ay makararanas ng pananakit o pagkirot lalo na sa gabi, maging ang pamamanhid at pamumulikat ay maari mong maramdaman.

Ano naman ang mahinang memorya?

Ang pagkawala o pagiging mahina ng memorya ay madalas na nangyayari kapag ang isang tao ay nawalan ng kakayahan na matandaan ang mga impormasyon at ilang mga pangyayari na karaniwan namang nilang naalala. Maaring ang mga ito ay mga bagay na siyang nangyari ng ilang segundo o minuto lamang o ilang mga hindi makalilimutang pangyayari na naganap sa nakaraan. Ang paghina ng memorya ay maaring nagsisimula nang biglaan na lamang at hindi malaman ang dahilan.

Sa katunayan, normal lang naman talaga para sa mga tao na maging kakaunting malilimutin habang ikaw ay tumatanda at nagkakaedad. Gayunpaman, ang pagkawala ng memorya ay kakaibang usapan na at maari itong maging isang senyales ng isang seryosong sakit kaya habang hindi pa malala ay gawan na ng paraan.

Ano ang pananakit ng ulo o headache?

Ang pananakit ng ulo ng isang tao ay maaring resulta ng iba’t ibang klase ng dahilan kagaya na lamang ng mga aktibidad na ginagamitan ng pagiisip, hindi maayos na pagdaloy ng dugo sa katawan papunta sa ulo at maging ang mga ugat na siyang nakapalibot dito. Kapag isa ka sa mga tao na siyang madalas na nakararanas nito, ang ilang partikular na nerves na siyang daluyan ng dugo at mga kalamnan ay nagpapadala ng mga pain signals sa utak. Sa kabilang banda, hindi pa natitiyak ng mga eksperto at ilang siyentista hanggang sa ngayon ang talagang dahilan sa kung bakit nagpapadala ang mga nerves na ito ng ganoong klase ng signal sa utak.

Ang biglaang pananakit ng ulo ay kadalasang nangyayari ng dahil sa isang uri ng sakit, impeksyon, sipon o maging ng lagnat. Ilan pa sa mga sanhi ng biglaang pananakit ng ulo ay ang pamamaga ng sinus, impeksyon at maging ang pamamaga ng tenga. Ang stress at tension na siyang nakukuha mula sa pamilya, sa trabaho, at maging sa eskwela ay maari ring makapagdulot ng pananakit ng ulo. Ang paginom ng alak, ang hindi pagkain sa tamang oras, ang kawalan ng sapat na oras at kalidad ng tulog, ang paginom sa gabi ng isang uri ng gamot at maging ang hindi tamang postura ay maari ring maging dahilan kung bakit nagkakaroon ng pananakit ng ulo.

Mabuti na lamang at mayroong mga dahon na kagaya nito na mayroong kakayaan na gawin ang lahat katulad na lamang ng pagtanggal sa mga varicose veins, madalas na pananakit ng ulo at maiwasan ang pagkakaroon ng mahinang memorya.

Ang dahon ng laurel ay isa lamang sa mga karaniwang sangkap na siyang ginagamit at inihahalo ng mga Filipino sa napakaraming uri ng lutuing ulam, lalong lalo na ang popular na adobo kahit man ito ay inihahaluan ng karne ng manok o ng baboy.

Gayunpaman, hindi lamang ito sa loob ng kusina maaring mapakinabangan sapagkat ang dahon ng laurel ay nagtataglay ng napakaraming bilang ng mga pakinabang para sa isang maganda at malusog na pangangatawan na siyang makatutulong ng lubos para sa napakaraming bilang ng mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi saan mang sulok ng mundo.

Narito na ang ilan sa mga pakinabang para sa kalusugan na maari ninyong makuha mula sa dahon ng laurel:

  • Ito ay mayroong kakayahan na alisin ang sobrang pagaalala o pagiisip sa mga bagay bagay
  • Ito ay mayroong kakayahan na palakasin ang immune system.
  • Ito ay epektibo sa pagtanggal ng mga problema na mayroong kaugnayan sa colon.
  • Ito ay mabisa sa pagbawas sa mga sobrang pagpapawis.
  • Ito ay nakatutulong upang mapabuti ang kalusugan ng isipan.
  • Ito ay mayroong kakayahan na bawasan ang pananakit ng mga kasukasuan.
  • Ito ay nakatutulong upang maalis ang varicose veins.
  • Ito ay may kakayahan na malunasan ang pananakit ng ulo.

Narito ang mga sangkap na inyong kakailanganin:

  • 30 grams ng dahon ng laurel
  • 250 milligrams ng olive oil

Narito ang mga preparasyon na kakailanganin ninyong gawin:

Simple lamang ang kinakailangan mong gawin upang makawaga ng ganitong uri ng resipe. Dikdikin mo lamang ang mga dahon ng laurel at sa paggawa mo nito, lalabas dito ang katas nito kaya hayaan mo lamang itong lumabas at matuyo sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos ay buhusan mo ito ng olive oil bago mo isalin sa isang babasagin na lalagyan. Itago mo ito sa isang madilim na lugar ng hindi kukulang sa dalawang (2) linggo. Maari mo ring palitan ang mga dahon na siyang laman nito upang mapabuti ang amoy na taglay nito. Takpan mo itong muli at pabayaan ito sa karagdagan na dalawa (2) pang linggo. Pagkatapos ay salain mo na ang langis na siyang nagmula rito. ibabad mo ito sa gauze o sa cotton upang magamit mo ang langis.

Narito ang ilan pa sa mga pakinabang na maari ninyong makuha mula sa laurel oil:

  • Ito ay umiinit kapag ginamit sa balat kaya maari itong gamitin bilang ointment.
  • Ito ay maari mong magamot para sa mga problema na mayroong kaugnayan sa iyong tenga at bilang panlunas sa sobrang pananakit ng ulo o migraine.
  • Ito ay epektibo para sa pananakit ng ulo, ipahid mo laamng ang langis na ito sa iyong noo at paunti unti ng mawawala ang sakit na iyong nararamdaman.
  • Ito ay maari mo ring ipalit sa aspirin na siyang nakatutulong sa pagpapababa ng temperatura ng katawan.
  • Ito ay mayroong kakayahan na palakasin ang iyong gana sa pagkain.
  • Ito ay maari mong magamit upang matanggal ang pananakit sa tiyan at mga problema na siyang konektado sa intestines.
  • Ito ay may kakayahan na maibalik sa normal ang iyong parehas na renal at hepatic function.
  • Ito ay makatutulong para sa iyong balat at maaring gamitin bilang lotion.
  • Ito ay maari mong magamit bilang pamahid para sa mga blackheads at zits.

You may also like...