8 Pagkain na hindi dapat natin kainin pag walang laman ang tyan natin.

Ang pagkakaroon ng kaalaman pagdating sa mga ganitong bagay ay isang advantage upang mas mapaganda pa ang iyong kalusugan at mas mapalakas ang iyong pangangatawan.

Narito na ang mag pagkain na hindi mo dapat kainin kung wala pang laman ang iyong tiyan:

  • Yoghurt

Ang yogurt ay nagtataglay ng mayamang antas ng live-microogranisms na siyang madalas na ginagamit upang maibalik sa tamang balanse ang populasyon ng mga microorganisms na siyang matatagpuan sa loob ng tiyan ng isang indibidwal. Sa puntong ito pumapasok ang mga intestinal bacteria upang tumulong sa pagproproseso sa mga pagkain na iyong kinain. Kung kumain ka ng yogurt at wala pang laman na kahit na ano ang iyong tiyan ay maaring mawala ang silbi na mayroon ang mga bacteria na laman nito at mamatay lamang din ang mga ito ng dahil sa stomach acid.

  • Carbonated Drinks

Lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang carbonated drinks kagaya na lamang ng soft drinks na karaniwang nabibili sa mga tindahan at mga fast food chains ay mayroong kakayahan na sirain ang iyong stomach lining at maging pigilan ang tamang pagdaloy ng oxygen na kinakailangan nito.

  • Alcohol o Alak 

Kung ang unang una mong ginagawa sa paggising mo sa umaga ay ang pag inom ng alak kahit pa kasama ito sa isang resipe na iyong niluluto ay dapat mong malaman na nakakasama ito para sa iyong mga organs dahil sila ay talagang mahihirapan sa pagproproseso nito. Sa kabilang banda, ang pag inom ng alak ay walang magandang maidudulot para sa iyong katawan at kilala ito bilang isang hindi magandang bisyo na dapat mo nang itigil sa lalong madaling panahon habang hindi pa huli ang lahat.

  • Tomatoes o Kamatis 

Mataas ang tannic acid na siyang makikita o laman ng mga kamatis na mayroong kakayahan na labanan ang stomach acids na loob ng iyong tiyan na maaring maging sanhi o maging dahilan ng pagkakaroon ng sobrang acid sa iyong tiyan na maaring makapagdulot ng pananakit at mas malalang komplikasyon.

  • Pears o Peras 

Ang prutas na ito ay sinasabing mataas din sa tinatawag na crude fiber. Ang sobrang amount ng fiber o kung fiber lamang ang siyang natatanging laman ng iyong tiyan sa umaga ay maari itong makapagdulot ng iritasyon sa iyong stomach lining na kalaunang magiging dahilan ng pagsakit ng tiyan.

  • Sweets o Matatamis 

Kung glucose lamang ang magiging laman ng iyong pancreas sa umaga ay maari itong gumawa ng sobrang daming antas ng insulin na hindi maganda para sa iyong kalusugan. Upang hindi masyadong mapuwersa ang mga organs mo ay nararapat lamang na huwag kang kakain ng maraming matatamis na pagkain habang wala pang laman na kahit na ano ang iyong tiyan upang maiwasan ang iba pang klaseng malalang problema at kondisyon.

  • Short Crusts at Pastries

Ang yeast na siyang kadalasang isa sa mga resipe sa paggawa ng tinapay ay maaring makapagdulot ng iritasyon sa lining ng stomach. Ang iritasyon na ito ay maaring makapagdulot ng hindi tamang produksyon ng acid at kalaunan ay magiging dahilan ng pagsakit ng tiyan.

  • Citrus Fruits

Katulad na lamang ng kamatis na siyang nabanggit kanina, ang mga citrus fruits naman ay mayroong mayamang antas din ng acids. Kapag ang mga ito ay naihalo sa stomach acid sa loob ng iyong tiyan ay maari itong makapagdulot ng pananakit at maari ring magresulta sa sakit na ulcer sa paglipas ng panahon.

Mas piliin mong kainin ang mga masusutansiyang pagkain kagaya na lamang ng mga prutas at gulay. Iwasan mo na rin ang ilang mga bisyo upang mas humaba pa ang iyong buhay at maiwasan ang iba’t ibang klase ng mga sakit at karamdaman. Ang tamang pagkain ng mga pagkain ay talagang mahalaga at hindi dapat basta basta na lamang binabalewala dahil ang iyong kalusugan ang siyang nakasalalay dito.

You may also like...