Mga simpleng at madaling paraan para makatipid tayo sa kuryente

Sa artikulong ito ay itututro namin sa inyo ang isang paraan kung paano kayo makakatipid sa kuryente. Tamang tama ito sa panahon ngayon kaya naman ay pagtuonan niyo ito ng pansin. Alam niyo ba na ang konsumo ng kuryente ay depende sa uring appliances sa inyong bahay? Halimbawa, may mga uri ng electric fan na hindi masyadong malakas kumonsumo ng kuryente, at mayroon din namang malalakas. Kaya naman, dapat ay sa pagbili pa lamang ng mga gamit sa bahay ay dapat mapanuri na tayo. May mga tamang paggamit din ng mga kagamitang ito. Ano ano ang mga iyon? Heto at ituturo namin sa iinyo.

Electric Fan.

Ang mga electric fan na may hindi plastic na mga blades ay malakas kumonsumo ng kuryente kaya dapat ay iwasan ang pagbili at pagggamit nito. Sa kabilang banda naman, makakatipid ka sa kuryente kung iyong lilinisin palagi ang electric fan lalo na ang mga fan blades.

Air Conditioning Units.

Ang aircon ay isang napaka-popular na gamit na lahat yata ng tao ay gustong magkaroon. Bakit naman hindi? Totoong nakapagbibigay ito ng lamig sa kabila ng napaka-init na panahon. Subalit, may paraan pa rin naman para mapababa ang iyong konsumo kung ikaw ay may aircon sa bahay, isa na rito ang pagse-set ng temperatura nito sa medium setting. Kung ikaw ay bibili naman ay piliin mo ang 1.0hp window-type or stay cool na aircon at makakatipid ka ng halos P450 sa isang buwan. Kung ang may inverter technology naman ang iyong bibilhin ay makakatipid ka ng P300.

Ilaw.

Para makatipid, piliin ninyong bilhin ang mga LED bulbs kaysa fluorescent upang kayo ay makatipid ng P13 kada buwan. Mahalaga rin na kayo ay maging matipid sa paggamit ng ilaw, huwag na itong buksan kung hindi naman kinakailangan.

Refrigerator.

Isa pang malakas kumonsumo ng kuryente ang refrigerator. Upang makatipid ay dapat hindi palagaing bukas-sara ang ref at tignan ding mabuti kung may mga butas na ba ito kung saan pwedeng lumabas ang lamig. Kapag ikaw naman ay bibili nito, piliin mo ang madali ngunit maayos masara upang siguradong hindi lalabas ang lamig na siyang nagpapataas din sa konsumo nito sa kuryente.

Computer.

Maraming tao ang nag-aakala na mas nakakatipid sila kung nasa screensaving mode ang kanilang computer. Ngunit, mas makakatipid kayo kung ito ay nasa slep mode, P240 kada buwan ang inyong matatabi dahil dito.

Television.

Kagaya ng sa ilaw, mas mainam na kayo ay gumamit ng LED na telebisyon. Kung ikukumpara sa karaniwang CRT o cathode ray tube na malakas kumonsuimo ng kuryente, mas makakatipid ka ng P109 buwan buwan kung lilipat ka sa LED type.

Plantsa o Flat Iron.

Kung ikaw ay gagamit ng plansta, dapat ay nakahanda na ang dapat man lang isang basket ng palantsahin. Hindi maganda kung paisa isang damit lang ang iyong paplantsahin dahil mas malakas ito sa kuryente. Mas makakatipid ka rin kung gagawin mo ito tuwing Sabado o kaya Linggo kung kailan mas mababa ang demand sa kuryente.

Washing Machine.

Maging sa paglalaba gamit ang washing machine ay dapat hindi rin paisa-isa. Dapat ay maramihan din upang ikaw ay makatipid sa kuryente pati na rin ng inyong lakas at enerhiya.

Rice Cooker.

Kung ikaw ay gumagamit ng rice cooker ay isang paraan lang ang pwede mong gawin para makatipid sa kuryente. Bunutin mo lamang ito sa saksakan tuwing pagkatapos gamitin at siguradong makakatipid ka ng halos P40 buwan buwan.

Maging disiplinado at gawin mo na itong routine upang siguradong tuloy tuloy na rin ang pagtitipid mo sa kuryente. Nasa bahay ka man, paaralan, o opisina dapat ay taglay taglay mo ang disiplinang ito. Huwag kalimutang ibahagi ang kaalamang ito sa iyong mga kaibigan at kakilala upang sila man rin ay makinabang dito.

You may also like...