Natural na recipes para maalis ang ipis, langgam, lamok at langaw sa bahay natin

Sa tulong ng artikulo na ito, aming ipapakita sa inyo ang ilan sa mga natural na pamamaraan na maari ninyong gamitin sa loob ng inyong mga tahanan upang tuluyang maalis ang mga insekto na ito at hindi na muling bumalik pa.

Narito ang mga home recipes na maari ninyong gamitin sa pagalis sa mga insekto na ito sa loob ng iyong tahanan:

Para sa mga langgam o ants

Para tuluyan mo nang mapatay ang mga langgam na ito at ang kanilang colony, kinakailangan mo lamang paghaluin ang isang litro ng tubig, isang kutsarita ng borax at isang baso ng asukal.

Maglagay ka lamang ng ilang piraso ng cotton balls sa solusyon na ito at ilagay mo sila sa isang lumang lalagyan ng yoghurt na mayroong butas sa loob upang makapasok ang mga langgam dito.

Paunti unting dadalhin ng mga langgam na ito ang cotton balls sa loob ng kanilang bahay at sila ay kalaunan na mamatay habang kinakain ang mga ito.

Para sa mga ipis o cockroaches

Maari mo ring paghaluin ang katamtamang dami ng boric acid powder, kasama ng sugar powder at corn flour.  Gamitin mo ito bilang pain sa mga bahagi ng inyong kusina na madalasa puntahan at daanan ng mga ipis na ito.

Ito ay gagana bilang isang uri ng lason para sa kanila. Maari mo ring lagyan ng boric dust ang inyong kitchen cabinets at maging sa ceiling at spaces nito.

Ang boric dust ay isa ring natural na lason para sa kanila. Ang mga ito ay kanilang susuriin at kapag sila ay bumalik na sa kanilang bahay, maari nitong patayin ang ibang ipis na lalapit sa infected na ipis.

Para sa mga lamok o mosquitoes

Ang pinaghalong garlic juice at tubig ay maaring gamitin bilang spray repels mosquitoes sa loob ng mahigit kumulang anim na oras. Kinakailangan mo lamang na paghaluin ang isang parte ng garlic juice at limang parte ng tubig upang makagawa ng isang mixture na maari mong iispray sa iyong katawan. Ito ay hindi nakakalason at talagang epektibo upang hindi ka lapitan ng mga lamok na ito.

Bukod pa riyan, ang neem oil na siyang nakuha pa mula sa dahon ng need tree ay isa pang napakabisa at hindi nakalalasong sangkap na maari mong gamitin. Maari mong ipahid ang neem oil na ito sa mga nakalabas mong balat upang hindi ka lapitan ng mga lamok na ito.

Ito rin ay maganda para sa iyong kabuuang kalusugan sapagkat mayroon itong kakayahan na patayin ang mga bacteria na siyang sumasalakay sa iyong immune system.

Sa kabilang banda, ang marigold plant ay mayroon ding kakayahan na makapaglabas ng kakaibang amoy na siyang naglalayo sa mga insekto, lalong lalo na sa mga mosquito. Pwede ka ring magtanim ng marigold plant sa inyong bakuran upang mapaalis ang mga lamok na ito sa inyong bahay.

Ang Thai lemon grass ay isa ring mabisang halaman na maari mong gamitin laban sa mga lamok na ito. Ito ay mayroong citronella na siyang kilala na ligtas na gamitin para sa mga tao.  Baliin mo lamang ang isa sa mga tangkay ng halaman na ito at balatan mo ang panglabas na balat nito hanggang sa makita mo ang chive sa dulo ng base nito.

Pagkatapos ay kuskusin mo ang dulo nito sa iyong mga palad hanggang sa ito ay mamasa. Pagkatapos ay ipahid mo ito sa mga parte na iyong katawan na nakalabas ang balat. Magugulat ka na lamang at walang kahit isang lamok ang lalapit at kakagat sa iyo.

Para sa mga langaw o flies

Ang isa sa mga pinakamagandang bagay na maari mong gawin upang mapaalis ang mga langaw na ito sa iyong kapaligiran ay ang panatilihin mo ang kalinisan nito. Bukod pa riyan, maari ka ring maglagay sa inyong bahay ng maliliit na sachet ng dinurog na mint leaves upang hindi makapasok ang mga ito sa loob.

Bilang karagdagan, ang eucalyptus oil ay kilala rin bilang isang mabisang pampaalis sa mga langaw na ito. Magsalin ka lamang ng ilang patak nito sa isang cotton cloth at ilagay mo ito sa mga parte ng inyong bahay na maraming bilang ng mga langaw. Kalaunan ay mawawalan ng gana ang mga langaw na ito at tuluyang aalis.

Maari mo ring hugasan ang inyong drainage gamit ang isang kumukulong tubig na mayroong halong bleach powder upang maalis ang mga langaw na naninirahan at mayroon ang inyong drainage system.

You may also like...