11 Madali at natural na paraan kung papano pababain ang cholesterol

Sa tuwing ikaw ay kumakain ng mga pagkain na siyang mataas sa cholesterol, ang katawan mo ay nagproproduce ng mas madami nito, at kung iyong pagmamasdan, ikaw rin ay magkakaroon ng mataas na tsansa na magkaroon ng iba’t ibang klase ng mga sakit at karamdaman. Gayunpaman, ang parehas na imbalance na mayroon HDL at LDL ay hindi nagpapakita ng kahit na anong uri ng sintomas at indikasyon, kaya kinakailangan na magpakonsulta at sumailalim sa ilang mga pagsusuri ang bawat indibiwal sa loob ng limang taon pagkatapos nilang marating ang edad na 20.

Narito ang ilang mga natural na pamamaraan na maari ninyong gawin upang mapababa ang antas ng cholesterol sa iyong katawan:

1. Bawasan mo ang iyong pagkonsumo sa asukal na aabot lamang sa 6 hanggang 9 na kutsara

Nararapat lamang na bawasan mo ang pagkonsumo mo sa asukal hanggang sa 25 grams lamang o 6 na kutsara para sa mga babae at 38 grams o 9 na kutsara naman para sa mga lalaki, ayon sa American Heart Association.

2. Iwasan mo ang mga trans-fat kagaya ng packaged foods

Kinakailangan mong limitahan ang iyong sarili sa pagkain ng mga natural na trans-fat na kadalasang makikita sa mga dairy products at ilang mga meat kagaya ng beef at lamb, ngunit hindi naman kinakailangan na tuluyan mo itong hindi kainin. Kumain ka lamang ng maliliit na amount ng mga ito dahil kaya nilang pataasin ang antas ng HDL sa mga kababaihan.

3. Bawasan ang saturated fats katulad ng red meat at whole milk

Pagdating sa antas ng cholesterol, ang United States Department of Health and Huma Services ay kinokonsidera na ang saturated fats ay mas malaki ang magagawang pahamak para sa kalusugan kaysa sa trans-fat dahil ang American diets ay sinasabing mayaman sa saturated fats kaysa sa trans-fat.

4. Bawasan mo ang pagkonsumo sa mga high cholesterol na pagkain katulad ng lobster at egg yolk

Bawasan mo ang pagkain sa mga red meat kagaya ng liver at iba pang organ meats, egg yolks, shrimp, lobster, at maging ang whole milk dairy products kagaya ng butter, cream, at keso.

5. Kumain ng unsaturated fats kagaya ng avocado at fatty fishes 

Ang Omega 3 ay isang uri ng polyunsaturated fat na siyang mayaman sa fatty fish kagaya ng salmon na siyang nakakatulong upang mapigilan ang pamamaga ng mga arteries at pagkakaroon ng blood cloth, binabawasan din nito ang tyansa na magkaroon ng sakit sa puso.

Ito ang mga pagkain na dapat mong kainin:

Monounsaturated fats: katulad ng olive oil, canola oil, soybean oil, peanut oil, avocados, flax seeds, at mga nuts.

Polyunsaturated fats: kagaya ng salmon, herring, trout, tuna, at mackerel; plant-based oils tulad ng safflower, olive, canola, grape seed, sunflower, at peanut oils; tofu; soybeans; nuts kagaya ng walnuts; at seeds katulad ng sunflower seeds.

1. Kumain ng mas maraming soluble fiber katulad ng oats, fruits at seeds.

Kumain ka ng mga whole grain na pagkain katulad ng barley at oatmeal; prutas na mayroong balat kagaya ng berries, saging at mansanas; leafy at cruciferous na gulay gaya ng broccoli at Brussels sprouts; legumes tulad ng dry beans at peas; at flax at chia seeds.

2. Kumain ng plant stanols and sterols kagaya ng carrots at blueberries

Ang mga makukulay na prutas at gulay na ito ay ang dilaw na kalabasa, carrots, tomatoes, strawberries, plus at blueberries; wheat germ, wheat bran, peanuts, Brussels sprouts; vegetable oils gaya ng corn, sesame, canola at olive oil; at nuts katulad ng almonds.

3. Gumamit ng mga natural remedies gaya ng apple cider vinegar at ashwagandha

Ang traditional na Ayurvedic rejuvenating herb na kilala bilang ashwagandha o isang Indian ginseng ay mayroon ding kakayahan na pababain ang antas ng cholesterol Kasabay ng pagbaba ng LDLs ang pagtaas sa kakayahan ng kalamnan.

4. Pigilan ang pagaalala at pagiisip sa mga bagay upang mabawasan ang stress

Kinakailangan mo lamang na magehersisyo, magmeditate, magrelax at gawin ang kahit na anong bagay na nais mong gawin. Maaari ka ring gumamit ng detox bath sa gabi na mayroong lavender essential oil at Epsom salt upang matulungan kang kumalma ang iyong isipan at mabawasan ang pagdami ng cholesterol sa loob ng iyong katawan.

5. Araw araw magehersisyo at suriin ang calories

Dahil ang pagkakaroon ng sobrang timbang o obesity ay isang dahilan kung bakit mataas ang antas ng cholesterol, ang pagbabawas ng timbang sa tulong ng pageehersisyo sa pang araw araw ay isang malaking bagay. At bago ka sumailalim sa kahit na anong uri ng eherisyo, magtanong ka muna sa iyong doktor kung ano ba ang maaari para sa iyo lalo na kung ikaw ay may edad na at may sakit.

6. Tigilan ang paninigarilyo

Kapag ito ay itinigil mo na ng tuluyan, maaaring magimprove agad ang iyong kalusugan sa loob ng tatlong linggo.

You may also like...