Paano tanggalin ang puting buhok gamit ang isang ingredient lamang

Sa panahon ngayon, napakaraming bilang ng mga tao na gustong gustong magkaroon ng magandang imahe. Lahat ng bagay ay gagawin nila maging maganda, kaaya aya at maayos lamang ang kani kanilang mga itsura upang magustuhan sila ng napaka raming bilang ng mga tao na nakapaligid sakanila, maging sa social media man o sa personal. Handa silang gumastos ng malaki, bumili ng mga mamahaling mga produkto para sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan kagaya na lamang ng balat at para sa mukha, pumupunta pa sila sa mga magaganda at mamahaling mga salon upang maipaayos lamang ang kanilang mga buhok at higit sa lahat, branded products lamang ang madalas nilang gamitin.

Mabuti na lamang at mayroong mga natural na sangkap na siyang makatutulong upang matakpan ang mga puting buhok na siyang madalas makita ng mga tao sa iyong buhok, marahil ng dahil sa katandaan o dahil parte na ito ng inyong pamilya na magkaroon nito kahit sa murang edad. Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang isang klase ng remedy na siyang makatutulong upang malunasan ang mga puting buhok na siyang kitang kita sa iyong ulo. Kakaunti lamang ang mga sangkap na kakailanganin mo at madali lamang ang preparasyon na kakailanganin mong gawin.

Narito na ang preparasyon na kailangan mong gawin:

Simple lamang ang dapat mon gawin upang makagawa ng isang epektibo at mabisang lunas para sa iyong problema. Kakailanganin mo lamang balatan ang limang (5) piraso ng patatas at lutuin moa ng mga balat nito sa tulong ng tubig at kaldero.

Buhusan mo ng mahigit dalawang (2) baso ng tubig ang kaldero at pagkatapos ay isalin mo na dito ang balat ng papatas. Pakuluan mo na ito sa loob ng ilang minuto at pabayaan mo lamang itong kumulo. Pagkalipas ng isang oras, tanggalin mo na ito sa apoy at pabayaan mo ng ilan pang minuto upang tuluyan ng lumamig. Pagkatapos ay salain mo ito upang matanggal ang mga balat ng patatas. Maari mo ring dagdagan ng tubig ng rosemary o ng lavender upang mas maging mabango ito.

Paano mo ito gagamitin?

Simple lamang, hugasan mo lamang ang iyong buhok sa tulong ng mixture na ito. Habang ginagawa mo ito ay masahihin mo ang iyong buhok at scalp. Magugulat ka na lamang sapagkat unti unti nang mawawala ang mga puting buhok na siyang kitang kita sa iyong ulo.

Wala namang masama kung gugustuhin mo na maging maganda ang iyong itsura at imahe, walang masama kung gugustuhin mong ayusan ang iyong sarili at magmukhang maganda ngunit kailangan lamang na maging maganda ang motibo mo para sa bagay na ito. Gawin mo ito hindi para mapasaya ang iba tao o para makakuha ng mga magandang komento. Gawin mo ito para sa sarili mo, upang masabi na mo na ikaw ay maganda, mayroon man o walang tao ang makakita nito. Ginagawa ng Diyos ang bawat tao na mayroong kaniya kaniyang kagandahan. Hindi man ito mapansin ng iba, at least ang lumikha sayo ang nakakakita nito. At higit sa lahat, ang pinaka maganda pa rin ay ang taong mayroong maganda at busilak na kalooban sa loob at hindi lamang sa panlabas na kaanyuan.

You may also like...