10 Warning signs na meron na pala tayong HIV infection na hindi natin alam

Sa tulong ng artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang ilan sa mga madalas at kilala na sintomas na siyang nagpapakita na ang isang tao ay mayroong HIV. Ngunit mas nakakabuti pa rin kung ikaw muna ay magpapakonsulta sa iyong doktor bago magisip ng kung ano ano at mauwi sa isang bagay na hindi naman sigurado. Kaya nararapat lamang na maging alerto at alisto ang bawat tao pagdating sa kanilang kalusugan.

Narito ang ilan sa mga kilalang sintomas ng pagkakaroon ng HIV:

  • Pagkakaroon ng lagnat o fever

Kapag ang isang tao ay mayroong flu, ang biglaang pagkakaroon ng lagnat ay isang normal na bagay lamang. Gayunpaman, kapag ang lagnat na ito ay mas tumagal kaysa sa normal na lagnat, kinakailangan mo nang magpakonsulta sa iyong doktor at sumailalim sa ilang mga tests upang makasigurado. Dapat mong malaman na ang matagal na pagkakaroon ng lagnat ay isa sa mga pangunahing sintomas ng sakit na HIV.

  • Madalas na pagkapagod o always tired

Sa puntong ito, kinakailangan mong malaman na ang HIV ay mayroong kakayahan na direktang maapektuhan ang iyong stamina. At bukod pa riyan, ang virus na ito ay may kakayahan don na bawasan ang antas ng iyong enerhiya.

  • Masasakit na mga kalamnan o aching muscles

Kapag ang iyong mga binti, likod at mga litid ay madalas na sumasakit kapag ginagawa mo ang mga bagay na normal mo namang ginagawa sa pang araw araw ay isang kakaibang bagay na hindi mo dapat nararanasan.

  • Pagsakit ng ulo at lalamunan o headache and sore throat

Ang iyong immune system at unti unting manghihina at dahil dyan, mas madali at mas mabilis ka nang maatake ng mga sakit at impeksyon. Ito ang isa sa mga rason kung bakit madalas kang nakararanas ng hindi magandang pakiramdam sa iyong lalamunan at kung bakit din madalas ang pagatake ng sobrang sakit na ulo sa ilang sunod sunod na  araw at gabi.

  • Pagkakaroon ng rashes sa balat o skin rashes

Lingid sa kaalaman ng nakakarami na ang kanilang balat ay mayroong kakayahan na ipakita ang kanilang kabubuang kalusugan. At kinakailangan niyo ring malaman na ang pagkakaroon ng sakit na HIV ay maaring makita sa pamamagitan ng mga makakating rashes na siyang tumutubo o nagpapakita sa balat.

  • Biglaan na pagbawas ng timbang o weight loss

Kung bigla bigla ka na lamang nawawalan ng gana sa tuwing ikaw ay kakain o kaya naman ay bigla ka na lamang nabawasan ng timbang, kinakailangan mo nang magpakonsulta sa iyong doktor sa lalong madaling panahon.

  • Tuyong ubo o dry cough

Ang pagbuo ng tuyo at malagkit na ubo o plema na siyang tumatagal sa iyong lalamunan ay isa sa mga pangunahing indikasyon na mayroong kang sakit na HIV. Kaya kapag iba na ang iyong ubo ay dalawin mo na kaagad ang iyong doktor.

  • Pagpapawis tuwing gabi o sweating in evenings

Kung isa ka sa mga tao na siyang nahihirapan na magkaroon ng magandang tulog sa gabi, kung hindi mo mahanap ang tamang pwesto at nahihirapan ka rin sa paghinga, kung madalas ang iyong pagpapawis sa kahit na anong temperatura, baka kinakailangan mo nang bigyan ng bisita ang iyong doktor at magpakonsulta sa kakaibang pakiramdam na mayroon ang iyong katawan.

  • Mahina at pagiiba ng kulay ng kuko o weak undesirable nails

Kung ang iyong mga kuko ay nag sisimula nang maging malutong at kasabay din nito ang pagbabago ng kulay ng mga ito, isa ito sa mga indikasyon na maaring mayroon kang HIV. Ang dilaw na kulay ng kuko ang siyang nagsasabi na mayroong kang sakit na HIV.

  • Hirap sa pagiisip o paghahanap ng kagustuhan o trouble in fixation and core interest

Ang hindi malusog na pangangatawan at kalusugan ay maari magresulta sa isang hindi malusog na pagiisip o unhealthy mind. Madalas kang makakaramdam ng walang hanggang pagiisip sa mga bagay bagay at madalas ka ring mahihirapan sa pagfofocus sa mga trabaho na dapat mong tapusin. Kapag madalas kang wala sa sarili at lutang sa trabaho, nararapat lamang na ikaw ay pumunta sa iyong doktor at sumailalim sa ilang mga pagsusuri.

Tandaan: Komunsulta ka muna sa iyong doktor at dumaan sa ilang mga pagsusuri bago ka mauwi sa isang kaisipan na hindi ka naman sigurado

You may also like...