Mag lagay ng bawang sa ilalim ng inyong unan bago matulog at magugulat kayo sa resulta

Ang garlic ay madalas ding ginagamit upang makontrol, maiwasan at mapigilan ang mga sakit na kagaya ng tumor, microbial infection, cardiovascular disorder, oxidative stress, toxicity, sakit sa buto at maging ang leproceae.

Ang Allicin ay isa sa mga pinaka malakas na compounds na siyang matatagpuan na taglay ng garlic. Kapag ito ay iyong pinino, mas tataas ang kakayahan na mayroon ito, ngunit sa kabilang banda, kung ito ay iyong lulutuin, mawawala at mababawasan ang taglay nitong nutrisyon. Kaya kinakailangan na ito muna ay iyong durugin o pinuhin at iwan muna ito sa loob ng labing limang (15) minuto bago tuluyang gamitin. Maaari mo rin itong dagdagan ng parsley at vegetable oil upang matanggal ang matapang na amoy na mayroon ito.

Bakit kailangan mo itong ilagay sa ilalim ng iyong unan?

Ang paglalagay ng ilang piraso ng bawang sa ilalim ng iyong unan ay madalas na ginagawa ng maraming bilang ng mga tao noong unang panahon pa man. Ito ay matagal at matandang sikreto ng ilang mga pamilya na siyang ginagamit upang makatulong sa pagpapaganda ng kalidad at pagpapahaba ng oras ng tulog sa napakarami ng henerasyon.

Ang garlic ay hindi lamang basta basta na malasa, masarap at masustansiya na pagkain sapagkat ito rin ay nagtataglay ng napakaraming paggamit. Kaya’t kung isa ka sa mga bilang ng mga tao na madalas na nahihirapan na makatulog sa gabi, bakit hindi mo subukan na maglagay ng ilang piraso ng bawang sa ilalim ng iyong unan upang makatulong ng ng mabilis, mas mahaba at hindi na mapuyat pa.

Garlic bilang gamot:

Sa kabilang banda, bago mo gamitin ang garlic bilang gamot sa iba’t ibang klase ng mga sakit, kinakailangan mo munang dalawin ang iyong doktor at magpakonsulta tungkol sa kasalukuyang listahan ng iyong mga gamot, mga over the counter na mga produkto kagaya na lamang ng mga vitamins, herbal supplements at marami pang iba, allergies, mga kasalukuyang sakit na mayroon ka, kasalukuyang kalagayan ng iyong kalusugan, kung ikaw ba ay buntis o may paparating na surgery at iba pa. Ang ilang uri ng kondisyon ng iyong kalusugan ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng side effects o negative effects ng gamot na ito. Kaya mas makabubuti at nararapat lamang na inumin mo ito ayon sa bilin ng doktor o sundin moa ng mga direksyon na siyang nakalagay sa mga lagayan ng gamot nito. Ang dosage na iyong iinumin ay nakadepende sa iyong kondisyon at kalagayan. Kaya dapat lang din na ikaw ay maging open sa iyong doktor upang mabuti nilang masuri ang iyong kalagayan. Ang hilaw na bawang ay hindi maaaring gamitin para sa mga bata at ang matagalan na paggamit nito ay maaaring makapagdulot ng hindi magandang epekto, lalong lalo na ang sobrang dosage nito.

Ibabahagi rin naming sa artikulo na ito ang ilan sa mga side effects na maaaring lumabas sa paggamit ng garlic bilang gamot. Ito ay hindi kumpletong listahan ng mga side effects ngunit maaari itong makatulong para sa iyo. Ang mga epektong ito ay possible, ngunit hindi naman ito madalas na nangyayari. Ang mga epekto na ito ay hindi naman kadalasang nagiging malubha ngunit may posibilidad na humantong sa ganitong sitwasyon. Kaya talagang kinakailangan na komunsulta muna sa doktor upang maobserahan ang alin man sa mga side effects na aming ibabahagi sa inyo, lalo na kung ang mga ito ay pabalik balik at hindi kaagad nawalala. Narito ang ilan sa mga side effects na ito, pagkakaroon ng mabaho at hindi ka nais nais na hininga; pagtatae; pagkakaroon ng ulcer sa bibig; pagkakaroon ng ulcer sa lalamunan; alibadbad; at pagkahirap sa paghinga. Kung ikaw ay mayroong napansin na iba pang side effects na hindi naming nabanggit, kontakin mo na sa lalong madaling panahon ang iyong doktor para sa payong medikal. Maaari ka ring magreport sa iyong local na food at drug administration authority.

Maaari mo ring ibahagi ang artikulo na ito sa iyong mga mahal sa buhay, mga kaibigan at mga kapit bahay upang magkaroon din sila ng kaalaman patungkol sa bawang at maging ang pagkaroon ng magandang kalidad at sapat na oras ng pagtulog.

You may also like...