Papano alisin ang plema at sipon sa ating baga at lalamunan

Isa ka ba sa mga tao na madalas makaranas ng pagkahirap sa paghinga ng dahil sa pagbabara ng iyong ilong at lalamunan? Ang ganitong uri ng problema ay nangyayari ng dahil sa maraming plema na siyang namuo sa iyong baga sa matagal na panahon.

Ang plema ay isang makapal, kulay dilaw o berde na substance na siyang inilalabas ng mucus membrane ng respiratory tract. Isa ito sa mga kilalang lumalaban sa mga sakit at karamdaman kagaya ng sipon, flu at marami pang iba. Ngunit ang sobra naman nito ay nagdudulot ng ubo at mas malalang problema sa kalusugan na mahirap alisin.

Ang mga taong may lagnat, panghihina, sipon, ubo at pagkahirap sa paghinga ay mayroong akumulasyon ng plema sa kanilang baga. Mabuti na lamang at mayroong mag natural na pamamaraan upang malunasan ito. Narito ang ilan sa mga ito:

  • Honey at Lemon

Ang pinaghalong honey at lemon ay makapagbibigay ng ginhawa at nagaalis ng kati at sakit na pakiramdam sa pag-ubo. Kailangan mo lamang na paghaluin ang mga ito upang makabuo ng mabisang gamot. Paghaluin mo ang isang kutsara ng honey at dalawang kutsara ng lemon. Inumin mo ito ng tatlong beses sa isang araw.

  • Ginger

Ang ginger ay kilala dahil sa natural na decongestant at antihistamine dahil sa expectorant at antibacterial properties na taglay nito. Ang ugat ng ginger ay may kakayahan na makapagbigay ng ginhawa sa lalamunan at dibdib ng dahil sa pagbubuo ng plema at nakatutulong din sa pagpapalabas nito.

Kinakailangan mo lamang kumain ng tatlo hanggang apat na piraso ng ginger sa pangaraw-araw o uminom ng tsaa na gawa dito. Upang magawa ito, magayos lamang ng anim na portion ng ginger, dalawang tasa ng tubig, isang kutsarita ng honey at isang kutsarita ng black peppercorns. Painitan mo ng ang tubig at kapag kumulo na ay maaari mo ng ilagay ang lahat ng sangkap. Pakuluan mo lang ito ng mabuti at pagkatapos ay salain mo ito. Maaari mong inumin ang dalawa hanggang tatlo ng tasa nito sa pangaraw-araw.

  • Apple Cider Vinegar

Ang ACV ay kilala dahil sa natural na antibacterial properties nito. Kaya nitong pigilan at bawasan ang plema as loob ng iyong katawan kasabay ng pagpapanatili ng iyong pH balance. Uminom ka lang ng isang kutsara nito sa pangaraw-araw kasama ng isang basong tubig.

  • Turmeric

Ito ay may taglay na sangkap na kilala bilang curcumin na may malakas na antibacterial properties na makakalaban sa mga impeksyon. Kailangan mo lamang na maghanda ng ½ na kutsarita ng asin, isang kutsara ng turmeric at isang baso ng maligamgam ng tubig. Paghaluin mo lang ng mabuti ang lahat ng ito at maaari mo itong gamitin bilang pangmumog ng iyong bibig ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.

  • Steaming

Ito ang isa sa mga pinakamabisa na paraan upang alisin ang bigat ng iyong dibdib at magkaroon ng kaginhawaan sa pakiramdam. Ang pagsinghot sa vapor at steam ay may kakayahan na alisin ang pagkabuo ng mucus sa iyong dibdib.

Kailangan mo lamang ng isang punong tubig na may halong herbs kagaya ng rosemary at thyme. Ilagay mo lamang ang mga herbs na ito sa kumukulong tubig at lumapit ka upang amuyin ang usok na mula rito. gawin mo ito ng tatlo hanggang apat na beses upang mas maging mabisa at magbigay ng ginhawa.

You may also like...