10 Senyales na meron ng tumutubong cancer sa loob ng ating katawan

Ang cancer ay kilala bilang isa sa mga sakit na ikinakamatay ng maraming tao. Mas maganda kung malalaman agad ang ilan sa mga sintomas na mayroon ito upang maiwasan ang paglala at ibabahagi namin sa artikel na ito ang ilan sa mga iyon:

  • Bukol sa ilalim ng balat

Ang bukol sa iyong katawan ay maaaring indikasyon ng kanser. Kailangan mong maging komportable sa paghawak sa iyong katawan upang matagpuan ang mga ito. Ang mga bukol na ito ay madalas na kakapa sa iba’t ibang parte ng katawan kagaya ng kili-kili, lalamunan, balat, dede, at testicles ng mga lalaki.

  • Pangangati ng balat 

Ito ang resulta ng paggagamot ng immune system sa mga bacteria kung saan ang white blood cells ay pumunta sa apektadong parte ng katawan. Ang pagangat sa pagdaloy ng dugo ang sanhi ng pagkakaroon ng mainit, mapula at makating balat. Ang pangangati ay maaaring sanhi ng paggagamot sa kanser or pagkakaroon nito. Ang mga sakit na may kaugnayan sa pangangati ng balat ay katulad ng leukemia at lymphoma.

  • Sugat na hindi gumagaling 

Madalas itong nangyayari dahil inuunang gamutin ng immune system ang lumalaking kanser kaysa sa mga maliliit at bagong sugat na mayroon ka. Kahit anong klase ng sugat sa iyong balat na matagal bago gumaling ay isang indikasyon ng sakit na kanser.

  • Bukol sa loob ng bibig at dila 

Madalas itong binabalewala ng iba ngunit ang bukol sa loob ng bibig, sa gilagid at lalamunan na kulay puti ay maaaring maging problema. Ang canker sore kagaya ng singaw ay kadalasang may nana sa gitna na kulay puti, gray o dilaw ay maaaring maging sanhi ng kanser sa bibig.

  • Pagkawala ng gana sa pagkain 

Isa pa sa mga sintomas ng kanser ay pagkawala ng gana sa pagkain. Binabawasan nito ang kakayahan ng katawan na makakuha ng nutrisyon at mabilis na paggaling ng mga nararamdaman ng katawan. Ang kahit na anong pagbabago sa digestive system ay maaaring magdulot ng problema.

  • Pagbabago sa pagdudumi 

Ang ilang araw na pagbabago sa iyong pagdudumi ay maaaring magdulot ng problema. Kapag mayroon kang napansin na dugo, pagbabago ng kulay, pagkaramdam ng sakit sa paglalabas ng dumi, pagkaranasan ng constipation at diarrhea or pagkakita ng mucus, kinakailangan mong dalawin ng iyong doktor dahil sintomas ito ng colon kanser.

  • Pagbabago sa pag-ihi 

Kahit anong klase ng pagbabago sa iyong pag-ihi ay dapat bigya ng pansin kagaya na lang pagbabago sa dami, kulay, amoy at pagkakaroon ng dugo o foam. Kailangan mong dalawin ang iyong doktor sa lalong madaling panahon dahil indikasyon ito ng kanser sa bladder.

  • Hindi maipaliwanag na pagdudugo 

Ang pagdudugo maliban sa iyong buwanang dalaw ay kailangang malaman agad ng iyong doktor. Ang hindi maipaliwanag na pagdudugo ay isang indikasyon ng kanser sa kahit na anong parte ng katawan at mga organs.

  • Pagbabago sa tono ng boses 

Kahit na anong uri ng pagbabago sa iyong boses kagaya na lamang ng tono o tinis nito ay maaaring indikasyon ng impekasyon o sakit sa lalamunan at maaari rin itong dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa larynx.

  • Hindi maipaliwanag na pag-ubo 

Ang pag-ubo ay maaaring mangyari ng dahil sa flu o kahit na anong uri ng respiratory tract infection. Ngunit kung matagal na at madalas ang iyong pag-ubo ng hindi malaman ang dahilan, maaari itong maging indikasyon ng isang kanser sa iyong katawan kagaya ng kanser sa baga, lalamunan, tiyan at esophagus.

Kahit na anong uri ng pagbabago sa iyong katawan ay dapat agad malaman ng iyong doktor sa lalong madaling panahon upang maagapan at malunasan.

You may also like...