10 Senyales na kulang ang sirkulasyon ng dugo sa ating katawan na dapat natin malaman

Ang dugo ang siyang nagdadala ng oxygen at ng nutrients sa buong parte ng katawan ng tao kaya ang pagkakaroon ng pagbabago dito ay maaaring magdulot ng malaking problema sa kalusugan at narito ang ilan sa mga sintomas ng hindi magandang sirkulasyon ng dugo:

  • Manhid na kamay at paa

Ang pagiging manhid ng ilang parte ng katawan lalo na ng kamay at papa ay ilan lamang sa indikasyon ng problema sa sirkulasyon ng dugo. Ito rin ay dahil sa paninikip ng nerves, pagkababad sa lamig, kulang sa magnesium at vitamin B12. Ito rin ay maaaring dahil sa diabetes, under-active thyroid and multiple sclerosis.

  • Pamamaga ng ibabang bahagi ng katawan 

Kung nakararanas ka ng pamamaga sa ibabang parte ng iyong katawan, maaaring dahil ito sa mahinang sirkulasyon ng dugo. Dahil hindi maayos ang pagdaloy ng dugo, hindi nakakapagtrabaho ng maayos ang iyong kidney na siyang pumipigil sa pagdaloy ng likido sa iyong mga ugat.

  • Hindi maipaliwanag na kapaguran 

Ang pagkapagod ay madalas na nararanasan dahil sa pisikal na aktibidad pero ang hindi maipaliwanag na kapaguran ay maaaring dahil sa hindi maayos na pagdaloy ng dugo na siyang pumipigil sa normal na pagtratrabaho ng mga organs at kalamnan ng iyong katawan dahil sa kakulangan sa oxygen at nutrisyon.

  • Malamig na kamay at paa 

Ang magandang temperatura ng katawan ay mabuti para sa kalusugan ngunit kung ikaw ay may problema sa sirkulasyon ng iyong dugo, bababa ang temperatura na ito at manlalamig ang iyong kamay at paa dahil hindi na nagagawang maabot ng sirkulasyon ng dugo ang mga parte na ito.

  • Varicose Veins

Ang varicose veins sa hita ay dahil sa mahinang sirkulasyon ng dugo at dahil sa hindi maayos na pagdaloy ng dugo, nagkakaroon ng pressure sa mga ugat na siyang dahilan ng pamamaga nito. Kadalasan itong nakikita sa babang parte ng katawan na nagdudulot ng pananakit, pangangati at kapaguran ng hita.

  • Mahinang immune system at mabagal na paggaling 

Ang circulatory system ang siyang responsable sa kalusugan ng immune system. Kaya kung mayroon kang mahinang sirkulasyon, ang mga vitamins at mineral na kailangan ng katawan ay hindi naibibigay ng maayos kaya’t nagkakaroon ng sakit at bumabagal ang paggaling.

  • Problema sa libido

Kung mayroong problema sa daloy ng dugo, mahihirapan ang katawan ng tao at magkakaroon ng problema sa libido. Ito ay maaaring konektado sa atherosclerosis. Kaya ang mga tao na may ganitong problema ay mataas ang tyansa na magkaroon ng sakit sa puso.

  • Mahinang kuko at buhok 

Dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng katawan na dulot ng mababang sirkulasyon ng dugo, ang paglago ng mga bagong buhok at kuko ay mas mahina at mabilis masira. Ito ay nagiging malutong na dahilan ng mabilis na pagkasira.

  • Mabigat at masikip na dibdib 

Kapag mayroong problema sa daloy ng dugo, hindi nakakakuha ng sapat na dugo ang puso na siyang dahilan ng paghirap sa paghinga at pagkakaroon ng masikip na dibdib. Ito ay isa sa mga sintomas ng angina.

  • Pagiba ng kulay ng balat 

Kapag ang iyong mga kamay at paa ay hindi nakakakuha ng sapat na oxygen mula sa dugo, mapapansin mo ang pagiiba nito ng kulay. Ang cyanosis ay kilala bilang pagiiba ng kulay ng balat ng dahil sa mababang daloy ng oxygen mula sa dugo at ilang problema sa sirkulasyon nito.

You may also like...